National Budget
- Hayaan ang mga bata na buksan ang site na ito:
http://marketplace.publicradio.org/features/budget_hero/
- Sabihin na ang site na ito ay naglalaman ng isang laro kung saan sila ay magbabadyet at makikita nila rito ang epekto ng kanilang pagdadagdag o pagbabawas sa isang kategorya.
- Bago ang paglalaro sa internet site, palalahanan ang mga bata na pupunan nila ang Worksheet 4 ( Fishbone Graphic Organizer) ng kasagutan .
- Click “Get briefed” – at pakinggan ang sasabihin ng narrator.
- Matapos iton pakinggan ay i-click ang “play game”
- May isang window na magbubukas, basahin ito at i-click ang “OK”
- Pumili ng tatlong badges at I-click ang START ( ang badges na ito ang iyong minimithi)
- Pumili ng tatlong “ yellow Card” – ito yung pwedeng makatulong sa iyo
- Click – “ See how your budget stacks up”
- Kung nagkakaroon ng problema ay pwede mong I click ang “ click for more taxes”
- Alamin ang resulta ng iyong pagbabadyet
- Ano ang GDP standing ng bansa mo?
- Sino ang may direktang komokontrol sa gastusin o badyet ng pamahalaan?
- Bakit mahalaga sa isang opisyal ang magkaroon ng prioridad?
- Alin sa mga badge card na naglalaman ng prioridad ang dapat piliin ng ating pamahalaan? Bakit?
- Ano ang nagiging epekto kung natuon ang prioridad ng badyet sa kapakanan ng tao?
- Bakit naaapektuhan ang ekonomiya kung ang badyet ay nakatuon sa pagbabayad ng utang?
- Ano sa palagay mo ang kakulangan at nagkakaroon pa rin ng problema sa badyet?
- Ano ang makabubuting gawin upang makalusot sa problemang ito?
– Kung gagamitin natin ang parehong paraan ng pagbabadyet sa Pilipinas, magkakaroon rin ba ito ng parehong epekto sa ekonomiya?
- Ano sa palagay ninyo ang kahinaan ng pagbabadyet sa Pilipinas ?
- Ano ang kinakailangan upang maging madali ang pagbabadyet? Ipaliwanag

No comments:
Post a Comment